Pinaaaresto na ni Senador Risa Hontiveros si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos muling hindi dumalo si Quiboloy sa pagdinig ng Senado kaugnay ng mga alegasyong kinahaharap niya at ng KOJC.

“I cite in contempt Apollo Quiboloy for his refusal to be sworn or to testify before this investigation,” ani Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children Family Relations and Gender Equality.

National

Casiño sa pahayag ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara: ‘He only deepens culture of impunity!’

“This committee requests the Senate President to order his arrest so that he may be brought to testify,” dagdag pa niya.

Nahaharap ang KOJC sa mga kasong human trafficking, rape, sexual abuse, at child abuse.

Kamakailan lamang ay isang Pilipino at dalawang Ukrainians na umano’y kasama sa mga biktima ang humarap sa pagdinig upang ilahad kung paano umano sila pinagsamantalahan ni Quiboloy.

Kaugnay nito, naglabas din kamakailan ang Senado ng subpoena laban sa pastor matapos itong hindi dumalo sa pagdinig ng komite.

MAKI-BALITA: Subpoena vs Quiboloy, nailabas na – Hontiveros

Samantala, nito lamang Lunes, Marso 4, nang ianunsyo ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na sasampahan ng prosecutors sa Pasig City at Davao City si Quiboloy ng mga kasong “child abuse” at “qualified trafficking” dahil sa umano’y krimeng ginawa nito noong 2011 laban sa isang babaeng 17-anyos pa lamang nang mga panahong iyon.

MAKI-BALITA: Quiboloy, kakasuhan ng ‘child abuse,’ ‘qualified trafficking’ – Remulla