Tuluyan na raw ihihinto ang pag-ere ng noontime show na “Tahanang Pinakamasaya” sa GMA Network ayon kay Asia’s King of Talk Boy Abunda.

Sa latest episode ng kaniyang programang Fast Talk noong Lunes, Marso 4, kinumpirma niya ang tungkol sa balitang ito.

“Nagpaalam din sa mga manonood ang noontime show na ‘Tahanang Pinakamasaya’. Sa video naman na in-upload sa YouTube channel ng programa, makikitang nag-iyakan at nagyakapan ang host at staff matapos nilang umere noong Sabado,” saad ni Boy.

“Nagpasalamat din si Isko Moreno sa mga advertisers at sa mga manonood sa kanilang suporta sa programa,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Matatandaang nauna nang inamin ng isa sa mga host ng naturang noontime show na si Chariz Solomon ang pamamaalam nila sa ere. 

Kasabay nito ang hiling na sana ay mabigyan agad ng trabaho ang mga empleyado ng kanilang nasibak na show.

MAKI-BALITA: Chariz Solomon wish mabigyan agad ng trabaho mga tao sa likod ng sinibak na show

Samantala, matapos mapaulat ang tungkol dito, nagsimulang lumutang ang balitang “It’s Showtime” o “TikToClock” daw ang ilalagay ng GMA Network sa nabakanteng timeslot.

MAKI-BALITA:  Alin mas masaya? It’s Showtime, TikToClock maugong na isasalpak daw sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya