Naghain si Senador Robin Padilla ng isang resolusyon na naglalayong ideklarang persona non grata si Australian Senator Janet Rice dahil umano sa hindi nito paggalang kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa Senate Resolution No. 944 na inihain ni Padilla nitong Lunes, Marso 4, kinondena niya ang pagsasawalang-galang umano ni Rice kay Marcos.

Hinikayat din ni Padilla ang Department of Foreign Affairs (DFA) na i-persona non grata sa Pilipinas ang Australian senator.

“To condemn Australian Senator Janet Rice and to urge the [DFA] to declare her as persona non grata for her unparliamentary behavior during President Marcos Jr.’s address before the Australian Parliament in Canberra,” saad ni Padilla sa resolusyon.

National

Senador sa Australia ‘nagprotesta’ habang nagtatalumpati si PBBM: 'Stop the human rights abuses'

Matatandaang habang nagtatalumpati si Marcos sa Australian Parliament noong Huwebes, Pebrero 29, itinaas ni Rice ang isang banner na nagsasabing “Stop the human rights abuses.”

Bukod dito, iginiit din ng Australian senator ang kaniyang mariing pagtutol sa pag-imbita ng Australian Parliament kay Marcos.

https://balita.net.ph/2024/02/29/senador-sa-australia-tutol-sa-pag-imbita-ng-govt-kay-pbbm-shame/