Naglabas ng opisyal na pahayag ang PPL Entertainment Inc. kaugnay sa pagkamatay ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose. 

Sa Facebook post ng PPL Entertainment nitong Lunes ng madaling-araw, Marso 4, kinumpirma nila ang pagpanaw ni Jaclyn.

“It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose (real name Mary Jane Guck),” saad ng PPL Entertainment.

“More details will be shared as soon as they are available,” anila.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

Dagdag pa ng management: “The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times.”

Ang PPL Entertainment ang kasalukuyang management ni Jaclyn.

Matatandaang bago siya binawian ng buhay ay ginagampanan ni Jaclyn ang karakter ni “Chief Espinas” sa patok na primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na