Maraming mga Pinoy sa social media ang “nabanas” sa naging review ni American singer at record producer Benny Blanco sa mga pagkain ng fast food chain “Jollibee.”
Sa isang TikTok video ni Blanco na may pamagat na “my first time trying jollibee,” inihayag niya ang kaniyang “disappointment” sa lasa ng ilang mga pagkain ng Jollibee, tulad ng adobo rice, fried chicken, pineapple juice, at spaghetti.
Samantala, hindi naman nagustuhan ng ilang netizens, lalo na ng mga Pinoy, ang naturang pag-review ng American singer. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“I guess he just said he'll never go to the Philippines 🫠.”
“Okay, I don’t get it Selena.”
“Hello Benny, you know why Filipinos reacted this way because Jollibee is part of our childhood. When we got higher grades in school, birthdays, etc.”
“7, 641 islands in the Phils, ready to fight for Jollibee 😭.”
“Pls go to the Philippines and taste the real Jollibee.”
“Not you disrespecting OUR Jollibee.”
Habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 134,300 likes, 16,700 comments, at 14,200 shares ang naturang TikTok video ni Blanco.
Si Blanco ang boyfriend ni Selena Gomez.