Isasalang sa imbestigasyon ng Senado ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na isinasangkot sa naiulat na bentahan ng mababang presyo ng bigas sa ilang negosyante kamakailan. Ito ang ipinangako ni Senate committee on agriculture chairperson Cynthia Villar at sinabing nakatakda na siyang maghain ng resolusyon sa Senado upang masiyasat ang kontrobersya.
National
De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'
Nauna nang naiulat na hindi umano dumaan sa bidding ang pagbebenta ng bigas ng NFA sa ilang trader.
Nasa ₱9 bilyon ang badyet ng NFA para sa 2023-2024.
Paliwanag ng senador, ang naturang badyet ay gagamitin sa pagtulong sa mga magsasaka at mamimili at hindi para sa kapakanan ng mga trader.
Paglilinaw ng senador, matagal nang nangyayari ang pagbebenta ng bigas ng NFA sa mga piling trader kaya nito isinulong ang Rice Tariffication Law.
Matatandaang iniutos ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. kina NFA Administrator Roderico Bioco at assistant administrator for operations Lemuel Pagayunan na mag-file ng leave of absence habang iniimbestigahan ang usapin.