Anim na buwan na suspensyon ang ipinataw ng Office of the Ombudsman kay National Food Authority (NFA) Administrator Roderico Bioco at sa 138 pang opisyal kaugnay sa umano'y pagkakasangkot sa bagsak-presyong bentahan ng bigas ng ahensya.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Francisco Tiu Laurel, Jr. nitong Lunes at sinabing kabilang sa sinuspindi si NFA Assistant Administrator John Robert Hermano, iba pang regional managers at warehouse supervisors.

Ang suspension order ay resulta ng imbestigasyon ng DA sa umano'y pagbebenta ng NFA ng libu-libong toneladang bigas sa ilang trader kahit ito ay mas mababa sa puhunan nito na ₱25.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Kaugnay nito, pamumunuan muna ni Laurel ang NFA hangga't hindi pa natatapos ang suspensyon ng mga nasabing opisyal.

Nauna nang inihayag ng opisyal na hindi nito palalampasin ang anumang uri ng korapsyon sa NFA at nangakong pananagutin ang nasa likod nito.