Hindi makapaniwala ang mga netizen sa balita ng pagpanaw ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose, na napaulat nitong Linggo ng gabi, Marso 3.

Hindi pa isinasapubliko ang dahilan ng pagkamatay nito, subalit batay sa mga inisyal na ulat, natagpuan itong walang buhay sa kaniyang sariling bahay sa Quezon City.

Nagluksa ang mga kasamahan sa showbiz industry lalo na ang mga nakatrabaho ni Jaclyn sa pelikula at telebisyon.

Hindi rin makapaniwala ang mga netizen, lalo na ang avid viewers ng seryeng "FPJ's Batang Quiapo" dahil sa biglaang pagkamatay ng aktres, na napasama rito sa bilang si Chief Espinas.

Tsika at Intriga

Rape sa isang batang aktres, vlogger mamamatay sa kanser hula ni Rudy Baldwin

Sabi pa nga ng marami, sana kagaya lang din ng nangyari sa kaniyang karakter sa serye ang nangyari sa totoong buhay. Kamakailan kasi, binaril ng karakter ni Vandolph si Espinas nang magkagulo sa loob ng bilangguan, subalit naka-recover naman ito.

Ngunit sa pagkakataong ito ay mukhang magpapaalam na rin ang karakter ng police chief sa serye dahil sa pagkamatay ni Jaclyn.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Sana parang sa BQ lang na puwede ulit siya mabuhay. Kaya lang totoong buhay na pala ito..."

"Buti na lang napanood pa natin siya sa Batang Quiapo..."

"Chief Espinas huhu, 'di ba nabuhay ka naman? Baka puwede rin sa tunay na buhay?"

"Premonition yata 'yong nangyari sa Batang Quiapo."

"Sabi sa ABS-CBN interview, parang kompleto na raw si Jaclyn sa pagiging artista dahil napasama na siya sa serye ni Coco Martin na lagi na niyang nakakasama noon sa indie movies."

Si Jaclyn, ay pumanaw sa gulang na 59. Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang isinasapubliko kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay niya.

MAKI-BALITA; PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose