Nagbigay ng reaksiyon si Andi Eigenmann sa pagdadalamhati ng kapuwa niya aktres na si Dimples Romana dahil sa pagpanaw ng kaniyang inang si Jaclyn Jose.

Sa Instagram post ni Dimples nitong Lunes, Marso 4, sinabi niyang hindi raw makakalimutan si Jaclyn.

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, inurirat sa viral pictures nila ni Dominic Roque

View this post on Instagram

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

“Lost another true icon 💔 @jaclynjose Tita Jane , I remember all the laughter, the lessons you generously taught me as a young actor back when we were shooting this movie in 2001 and for our May Minamahal remake,” lahad ni Dimples.

“mahal kita at laging yayakap ng mahigpit ❤️ you will never be forgotten 🙏🏻” dugtong pa niya.

Nagkomento naman si Andi sa naturang post ni Dimples: “Mahal kita ate ko ❤”

“@andieigengirl Dito lang lagi ate. Mahal din kita Ands. ❤ Ikaw at ang buong pamilya mo,” sagot naman ni Dimples.

Matatandaang nagkasama sina Andi at Dimples sa teleseryeng “The Greatest Love” ng ABS-CBN kung saan gumanap silang magkapatid at nanay nila rito si Sylvia Sanchez. 

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga netizen kay Andi. Narito ang ilan sa kaniyang mga komento:

“@andieigengirl yakap. Condolence po.”

“@andieigengirl my deepest condolences ms. Andie🤍”

“@andieigengirl Yakap na mahigpit po. Our deepest sympathies.🌸”

“@andieigengirl so sorry for your loss, Andi ❤️”

“@andieigengirl my deepest condolences to you Andi and your family 🙏😔”

“Deepest Condolences @andieigengirl & family 🙏”

“@andieigengirl Yakap ❤️🤍”

Matatandaang nagsimulang lumabas ang ulat tungkol sa pagpanaw ni Jaclyn noong Linggo ng gabi, Marso 3. Kasunod nito ay kinumpirma ng kaniyang management ang nasabing balita.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose