Nagsalita na ang aktres na si Andi Eigenmann kaugnay sa pagpanaw ng kaniyang inang si Jaclyn Jose.

Sa Facebook live ng ABS-CBN News nitong Lunes, Marso 4, sinabi ni Andi sa publiko ang dahilan ng pagkamatay ni Jaclyn.

“I announced the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jaclyn Jose at the age of 60 on the morning of March 2nd, 2024 due to myocardial infarction or heart attack,” saad ni Andi.

“We’d like to thank everyone who has sent their extended prayers and condolences to us. As our family is trying to come to terms with this unfortunate incident, please provide us respect and privacy to grieve,” aniya.

Tsika at Intriga

Carmina natanong kung bet pang makatrabaho si Kyline

Dagdag pa ni Andi, umaasa raw siyang sa pagsasalita niyang ito ay hindi mabahiran ng anomang ispekulasyon ang nangyari sa kaniyang ina.

Matatandaang nauna nang kinumpirma ng management ni Jaclyn ang kaniyang pagpanaw matapos lumabas sa mga pahayagan ang mga ulat hinggil dito.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose