Sa tila pagbabu ng noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" sa ere, maugong ang usap-usapan at espekulasyon kung anong noontime show ang ipapalit sa umano'y mababakanteng time slot nito, kung sakaling hindi na nga ito tuluyang bumalik at maghatid ng saya sa oras ng pananghalian.

May mga espekulasyon kasing naglulutangan na baka rebranding lang ang gagawin ng show, o baka naman magpapalit lang ng program title.

Subalit mas maingay ang mga kumakalat na tsikang malaki na raw ang utang ng TAPE, Inc. sa GMA Network dahil sa pagiging blocktimer nito.

Aabot na nga raw sa ₱800M ang utang ng production company ng mga Jalosjos sa Kapuso Network na pagmamay-ari naman ni Atty. Felipe Gozon."

Tsika at Intriga

Gigi De Lana banned sa ABS-CBN, GMA?

At batay sa mga hula-hula ng mga netizen, puwede raw ipalit sa maiiwang time slot ang "It's Showtime" ng ABS-CBN na umeere ngayon sa GTV, o kaya ang "TikToClock" nina Kim Atienza, Pokwang, Rabiya Mateo, Jason Gainza, at iba pa.

MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamalungkot?’ Noontime show ng TAPE, tsikang sisibakin na raw

Wala pang kumpirmasyon sa mga espekulasyong ito kaya abang-abang na lang. Anyway, maglalabas naman daw ng joint statement ang TAPE at GMA Network kaugnay sa isyu.