Napabuntong-hininga na lamang si Kapuso trivia master Kuya Kim Atienza sa ginawa ng aso niya sa kaniyang passport.

Sa Facebook reels kasing ibinahagi ni Kuya Kim noong Sabado, Marso 2, makikita kung paano niya pinagalitan ang aso niya dahil sa ginawa nito.

“Bad dog, bad dog! Don’t do that Lolo Joe,” saad ni Kuya Kim.

“Hay naku. These are the perils of adopting dogs,” aniya pa.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

Bagama’t luma na umano ang minukbang na passport, nilinaw ni Kuya Kim na naroon daw lahat ang kaniyang Visa.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“no bad dog just burara owner😆😅✌”

“Ang mga importante na documents ay dapat nakatago sa safety na lugar dhil alam ntjn ang mga alaga ntin ay mahilig mag kkagat kagat yan. Wag sisihin ang aso. tandaan ntin ang buhay ay weather weather lang... 😆”

“Even though old passport, maganda yan as souvenir. Sayang naman.”

“Kawawa si Lolo Joe, bakit pinagalitan, kayo po ang hindi nagtabi sa secure na lugar.😅”

“Ayaw nya kasi maiwan Kuya Kim Atienza . There's no such thing as bad dog.🥺🐕♥️”

“not doggos fault, back to you guys...😁✌️”