Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawang pananaway ni Kapuso trivia master Kuya Kim Atienza sa kaniyang alagang aso na si Lolo Joe.

Sa Facebook reel kasing ibinahagi ni Kuya Kim noong Sabado, Marso 2, makikitang pinagsasabihan niya si Lolo Joe matapos nitong mukbangin ang passport niya.

Bagama’t luma na ang nasabing dokumento, nilinaw ni Kuya Kim na naroon daw ang lahat ng Visa niya.

Pero para sa ilang netizen, wala raw pananagutan ang aso dahil bilang may-ari nito, alam daw dapat nito ang responsibilidad niya sa mahahalagang gamit na posibleng masira ng alaga nito. 

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“I wonder kung saan nyo po nilagay. Bakit ang dali niyang nakuha? There is kapabayaan on your part.”

“Not a bad dog. Its you owner burara ka”

“Ang mga importante na documents ay dapat nakatago sa safety na lugar dhil alam ntjn ang mga alaga ntin ay mahilig mag kkagat kagat yan. Wag sisihin ang aso. tandaan ntin ang buhay ay weather weather lang... ?”

“Lolo joe is not a Bad dog?,secure your things lalo na ung mga documents,thats it?”

“Kawawa si Lolo Joe, bakit pinagalitan, kayo po ang hindi nagtabi sa secure na lugar.?”

“Its not dogs fault!”

“no bad dog just burara owner??✌ “

“Hahahaha kasalanan mo po yang kuya Kim di nyo po iningatan at itinabi ng maayos. ✌️??”

“Lolo Joe is not a bad dog. ? You know better. You could have placed it in a secure place.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kuya Kim hinggil dito.

MAKI-BALITA: Passport ni Kuya Kim, minukbang ng aso niya