Nagbigay ng komento ang showbiz columnist na si Cristy Fermin patungkol sa TV host na misis ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Now Na” nitong Linggo, Marso 3, napag-usapan ang ilang kontrobersiyang kinasangkutan ni Mariel kamakailan.

“Sutil talaga itong babaeng ito. Sa totoo lang, sutil talaga siya. Palaban naman talaga siya,” lahad ni Cristy.

“Ang ganda pa naman sana n’ong kaniyang imahe na isang may-bahay na gumagawa rin ng paraan para matulungan ang kaniyang asawa sa kanilang kabuhayan. Nag-aalaga ng kanilang mga anak,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Ang ganda-ganda, e. Dahil iniwasan na niya ang paglabas sa telebisyon at pelikula. Ang ganda ng image. Kaya lang nagkataon namang ganito. Samantalang ‘yong pagpapa-IV Drip pwede naman ‘yon sa ibang lugar.” 

Tsika at Intriga

'Call me mangga!' MUPH 2026 Bea Windorski, dedma sa mga memang okray sa korte ng baba niya

Matatandaang kamakailan lang ay pinutakti ng batikos si Mariel dahil nga sa pagpapa-IV Drip nito sa mismong opisina ng kaniyang asawang si Sen. Padilla.

MAKI-BALITA: Mariel, binatikos nang ‘mag-gluta drip session’ sa opisina ni Robin; Senador, nag-react

Noong una, tila dinedma lang ni Mariel ang himutok ng mga netizen sa ginawa niya. Nagbigay naman ng reaksiyon ang asawa niyang senador nang maghayag si Senador Nancy Binay ng plano busisiin ang pagpapa-IV drip ni Mariel.

MAKI-BALITA: Dedma sa bash dahil sa gluta drip sesh: Mariel, todo-flex kay Robin

MAKI-BALITA: Robin sa balitang bubusisiin ‘drip session’ ni Mariel: ‘Nakakahiya sa taumbayan’

Pero kalaunan, nilinaw ni Mariel na wala raw siyang intensyong bastusin ang senado. Humingi rin ng paumanhin si Sen. Padilla sa publiko at sa kaniyang mga kapuwa senador. 

MAKI-BALITA: Mariel walang intensyong bastusin ang Senado

MAKI-BALITA: Robin, nag-sorry sa ‘drip session’ ni Mariel sa Senado: ‘Hindi na po mauulit’

MAKI-BALITA: Robin, nag-sorry rin kina Zubiri, Binay dahil sa ‘drip session’ ni Mariel