Buong pagmamalaking ibinida ni Liza Soberano na sumalang siya bilang presenter sa ginanap na Crunchyroll 2024 Anime Awards na ginanap sa Tokyo, Japan.

Si Liza, na kabilang sa Hollywood movie na "Lisa Frankenstein," ay siyang nag-present ng pangalan ng nominees at winner para sa kategoryang "Best Anime Song."

"Congratulations to all of the winners of the @animeawards.official 2024 and thank you so much to @crunchyroll for having me! Can’t wait to be back in Japan 🇯🇵," ani Liza sa kaniyang Instagram post.

Bukod dito, kapansin-pansin din daw ang walang kupas na ganda ni Liza. Bet na bet ng fans ang kaniyang pa-bangs at ang orange sequin dress na gawa ng renowned London-based luxury brand David Koma, na binagayan naman ng kaniyang metallic heels mula sa Jimmy Choo.

Events

Barbie Forteza, pinuri sa pagtulong kay Herlene Budol

Kaya sa mga nangyayaring ganap ngayon ni Liza sa ibang bansa, sey ng mga netizen ay unti-unti na raw naaabot ni Liza ang kaniyang Hollywood dream. Tila nilamon daw ngayon ng bashers ang kanilang mga pasaring, panlalait, at pambabatikos kay Liza noon.

"I really adore this young woman. She’s done well for herself."

"Aye hope, you've been living your Hollywood dream already! 🤟🏽"

"Another bombshell attire! She will conquer the world of fashion and entertainment!"

"Another head turning performance and jaw dropping presentation Liza. You really never disappoint."

"Mga bashers mo, hayun, tulog pa rin sa pansitan hahaha. Congrats Hopie!"