Kahanga-hanga ang mga taong handang suungin ang panganib at hirap alang-alang sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkuling gampanan ang kanilang serbisyo sa abot ng kanilang makakaya.

Viral ang video ng isang gurong nakasakay sa isang maliit na motor boat at hindi alintana ang panganib na dulot ng malalakas na alon at pagtalsik ng tubig sa kaniyang school uniform, makarating lamang sa kaniyang paaralang pinaglilingkuran, para maghatid ng mga kaalaman para sa kaniyang mga mag-aaral.

Naka-upload ang kaniyang video sa ulat ng 103.1 Brigada Mati City, sa Facebook page nito.

Tinawag na lamang ng guro na "showered blessings" ang mga tilamsik ng tubig-dagat na nagpapabasa sa kaniya dahil sa malakas na alpas ng alon sa sinasakyang bangka.

Makikitang kahit magalaw ang bangka at may panganib na puwede itong tumaob, relax at nakangiti pa rin ang guro.

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Ito raw ang araw-araw niyang buhay, aniya sa video.

Umani naman ito ng inspirasyon sa mga netizen at nagpaalala sila sa guro na mag-iingat ito palagi. Isasama raw nila sa kanilang dasal ang guro para ligtas ito sa tuwing pumapasok sa paaralan.

"Ingat po mam. Kudos po sa iyo mam, sa kabila ng iyong posisyon. You showed best example to us!"

"Salute ma'am!"

"Wow super woman ka talaga ma'am, GOD Bless you po ma'am!"

"Proud of you po kaguro.? Please wear life vest for safety. Thank you."