Nagbigay ng reaksiyon ang aktres na si Rita Avila tungkol sa love scene nila ni EA Guzman sa pelikulang “Magdamag” noong 2010.
Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Marso 1, tinanong ni Boy si Rita tungkol sa bagay na ito.
“Did you talk about it? Nailang ka? Kasi syempre, Rita ka. EA is a young actor.” saad ni Boy.
“Tinanong lang naman kami ng direktor kung hanggang saan pwede. Ganyan. Wala na. ‘Yon na,” natatawang sabi ni Rita.
“Gano’n talaga. ‘Yong parang ‘pag nando’n ka na, parang magic ‘yan, e. You transform. Pero ‘pag cut na, I don’t know kung ‘di kami nagtitinginan. May hiya.
Dagdag pa niya: “‘Di ko siya matawag na anak. Kasi paano siya aarteng ka-love scene kung anak ang tawag ko sa kaniya sa set. But after that, noong shoot namin: ‘Ayan pwede na kitang tawaging anak.’”
Gayunpaman, inamin ni Rita na unang kita pa lang daw niya kay EA ay alam na niya raw agad na isang itong mahusay na aktor.
Bukod kay EA, naka-kissing scene din ni Rita si Martin Del Rosario sa isang episode ng “Magpakailanman” bagama’t smack lang naman daw.