Nagpapatulong na sa pamahalaan ang mga mangingisda sa Palawan dahil apektado na ang kanilang kabuhayan ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS). 

Nagtungo sa ACT-CIS Palawan action center sa Puerto Princesa City, Palawan ang mga lider ng nasa 600 mangingisda sa Aborlan upang idulog ang kanilang problema.

“Maliliit ang aming bangka hindi kayang sumabay sa malalaking bangka at madalas nabu-bully kaya naitutulak kami sa tabi,” pahayag ng mga ito sa isang radio interview.

Anilla, apektado na ang pag-aaral ng kani-kanilang anak dahil sa liit ng kita sa pangingisda.

Nitong Biyernes, Marso 1, nagtungo si House Speaker Martin Romualdez sa Palawan at nakipagpulong sa mga apektadong mangingisda.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Nangako ang kongresista na bibigyan nito ng scholarship ang mahigit 1,000 anak ng mga mangingisda.

Plano rin ng mambabatas na magtayo ng planta ng yelo at gasolinahan sa Aborlan.