Isa pang bagong opisyal ang naidagdag sa Department of Agriculture (DA).

Ito ay nang italaga ni Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. si Paz Benavidez II bilang assistant secretary for policy and regulations.

Hahawakan ni Benavidez ang secretariat ng oversight panel ng ahensya kaugnay ng pagpapalabas ng mga regulasyon bilang pagsunod sa mga probisyon ng Anti-Red Tape Act.

Bukod dito, itinalaga rin si Asis Perez bilang undersecretary for policy, planning and regulations.

Si Perez ay dating director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nasa 10 pa ang bagong itinalagang opisyal ng ahensya, ayon pa sa DA.