May pabirong hirit ang ate ng South Korean host ng “Tahanang Pinakamasaya” na si Dasuri Choi patungkol kina Alden Richards at Piolo Pascual.
Sa latest vlog kasi ni Dasuri nitong Sabado, Marso 2, kasama niya ang kaniyang tatay at ate niyang si Tina Choi para pumili ng mapapangasawa niyang artista sa Pilipinas.
Sina Alden at Piolo ang nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa ate at tatay ni Dasuri kaya sa huling bahagi ng vlog ay sila ang final na pagpipilian ng South Korean host.
“Sabi niya [ate] si Alden daw nakikita niya through the eyes daw nag-a-act. Si Piolo daw sa tingin niya [tatay] parang more on action,” saad ni Dasuri.
"Ilagay mo kaya ng isang picture mo sa kanila," suhestiyon ni Tina ayon sa nakasaad na translation sa vlog.
"Hindi bagay," pahayag ni Tina matapos niyang pagtabi-tabihin ang picture niya at nina Piolo, at Alden.
"Hindi daw bagay," wika ni Dasuri.
"Parang mas bagay pa nga silang dalawa," lahad ni Tina.
"Silang dalawa daw! Silang dalawa na lang daw bagay," natatawang sabi ni Dasuri.
Gayunpaman, ang pinili pa rin ni Tina at ng tatay ni Dasuri para sa kaniyang mapapangasawa ay si Alden.
Gusto raw kasi ng kaniyang tatay na gugulin niya ang buong buhay niya kasama ang happy vibes na tao na nakikita nito sa aktor.