13 Vietnamese na nagtatrabaho sa mga illegal spa sa NCR, dinakma ng BI
Nasa 13 Vietnamese na nagtatrabaho sa mga illegal health spa ang dinampot ng Bureau of Immigration (BI) sa magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila kamakailan.
Sa paunang report ng BI, ang mga naturang dayuhan ay inaresto sa mga spa sa Makati, Parañaque, at Pasay.
"The audacity of these illegal aliens to be running their in the middle of the Metro,” ani BI Commissioner Norman Tansingco.
“We received intelligence information about their presence and activities, hence I immediately ordered their arrest,” anang opisyal.
Sinabi pa ng opisyal, illegal ang pananatili sa bansa ng 13 na dayuhan dahil wala silang maiharap na dokumento.
Pansamantalang ikinulong ng mga ito habang inihahanda ang kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940, dagdag pa ng BI.