Ipinag-utos na ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na mag-file ng leave of absence habang iniimbestigahan ang palugi na bentahan ng NFA rice.

Sinabi ng opisyal na layunin nito na magkaroon ng malayang imbestigasyon laban sa mga idinadawit sa usapin.

Nauna nang isinapubliko ni Laurel na kabilang sa inatasan niyang maghain ng leave of absence sina NFA administrator Roderico Bioco at assistant administrator for operations Lemuel Pagayunan at kung hindi sumunod ay sususpindihin niya ang mga ito.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Si Pagayunan ay nagbunyag nagkaroon ng bagsak-presyong bentahan ng NFA rice alinsunod sa kautusan ni Bioco.

Tiniyak din ni Laurel na gagawa ng hakbang ang ahensya batay sa magiging resulta ng internal investigation.

Ang NFA rice ay ibinenta ng ₱23 kada kilo, mas mababa kumpara sa pagbili ng ahensya na ₱25 bawat kilo.

Nitong Biyernes, nangako ang Senado na iimbestigahan ang usapin upang mapanagot ang mga nasa likod nito.