Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa viral Facebook reel ng isang gurong naging emosyunal habang nagtutupi at nagliligpit ng kaniyang school uniforms matapos niyang magbitiw sa tungkulin sa Department of Education (DepEd).

Makikita sa video na tila sinasariwa ni Rich Gonzales ang ilang mga alaala habang tinitiklop ang mga uniporme na ginagamit niya araw-araw na pagpasok sa paaralan at pagtuturo sa mga mag-aaral sa elementarya.

Nagpakita pa siya ng isang clip kung saan nag-goodbye and thank you sa kaniya ang pupils, pati na ang pagpasok sa paaralan.

Makikita rin sa video ang pag-print at pagpirma niya sa kaniyang resignation letter.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

"Tuig na Peru Karun ra ko ka upload🥺 Forever a teacher in my heart😭😭 Salamat DEPED🥺🥺 #teacherforeverinmyheart #thankyou," caption niya rito.

Mababasa naman sa text caption sa kaniyang reel video na talagang pinangarap niya ang pagiging isang guro.

"PAALAM sa PROPESYON na minsa'y PINANGARAP," aniya.

"Salamat sa 8 taon..."

"Baon ko sa bagong hamon ng buhay ang mga aral mo."

Sa panayam sa kaniya ng GMA News, napag-alamang 30 anyos na si Teacher Rich mula sa Sarangani at nagtuturo sa isang remote area. Hindi raw niya alintana ang ilang oras na biyahe para lamang makapasok sa paaralan dahil alam niyang may naghihintay para sa kaniya.

Mahal niya ang pagtuturo sa mga batang nasa remote area subalit isang malaking desisyon ang ginawa niya. Bilang isang pamilyadong tao, nais daw niyang isipin muna kung paano masu-sustain ang pang-araw-araw na pamumuhay nilang mag-anak.

Kaya napaiyak daw siya nang nag-aayos na siya ng mga gamit dahil bumalik sa kaniya ang mga alaala kung paano siya nangarap na maging isang guro at kung anong hirap ang kaniyang pinagdaanan sa pagkakamit nito.

Sa ngayon ay magkatuwang sila ng kaniyang asawa sa pagpapalago ng kanilang negosyo.

Sa comment section naman ng kaniyang viral reel ay maraming mga netizen, lalo na ang mga kapwa guro, ang naka-relate sa kaniya.

"Naiyak nmn Ako sis.. #teacher here for almost 18years and planning to get out to the system"

"May God bless you, ma'am...I can relate Po.. I resigned last Dec 2023... 8 yrs in service.... God bless all teachers with different stories of struggles and success... 💕"

"Goodluck to your new career path, Teacher!"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 4.8M views ang nabanggit na video/reel ni Teacher Rich.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!