Nagbigay ng babala ang singer at songwriter na si Ogie Alcasid sa kumakalat na balita tungkol sa umano’y concert nila ng asawang si Regine Velasquez-Alcasid.

Sa Instagram post ni Ogie nitong Biyernes, Marso 1, ibinahagi niya ang screenshot mula sa isang website na nagpapakalat ng maling impormasyon.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

View this post on Instagram

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

“Guys this is fake news!! This was an actual 2014 concert but someone reposted it. We are not having a concert in Dubai,” pahayag ni Ogie.

Dagdag pa niya: “Pls po wag kayo magpaloko. God bless everyone!”

Umani naman ng magkahalong panghihinayang, pagkadismaya, at lungkot mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Sana po magkaroon kayo ulit ng concert ni Ms. Reg and kayo po Sir Ogie 😊 ❤️🙌”

“grabe😢”

“Wish it is true though. We want to see u here plsssss!!!!”

“Grabe na sila😢”

“Sayang, kala ko pa naman totoo 🥹”

“Woah, this thing is getting out of control.😟”

“Ay Wala na talaga kumikita na sa panloloko . Si lord na bahala sa kanila kuya @ogiealcasid”

Matatandaang noong nakaraang buwan ay ginanap ang “Regine Rocks” sa Saban Theater sa Amerika. Gayundin ang "Love, Q&A" ni Ogie kasama si Odette Quesada na ginanap sa Nustar Convention Center sa Cebu at sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay sa parehong nabanggit na buwan.