Tila may himig pasaring ang X post ng showbiz insider na si Ogie Diaz matapos niyang mag-react sa isang balita ng ABS-CBN News patungkol sa kontrobersiyal na Ninoy Aquino International Airport (NAIA) partikular sa terminal 3.

Iniulat kasi na ayon daw sa Manila International Airport Authority (MIAA) na wala nang "surot" sa mga inireklamong upuan at tiniyak na raw na dinisinfect ang mga ito.

Kalakip nito ang ilang mga larawan kung saan makikita ang maraming pasaherong nakasalampak sa sahig dahil walang upuan.

Ani Ogie sa kaniyang X post, "NAIA 3 pala yan. Kala ko, underpass sa Quiapo."

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Ang underpass sa Quiapo ay ang daanan sa ilalim ng Plaza Miranda kung saan naroon naman ang Quiapo Church o ang National Shrine of Black Nazarene.

Sey naman ng mga netizen, kung underpass sa Quiapo ang tingin ni Ogie, inakala raw nila na ito ay sa Divisoria.

Matapos ang isyu ng surot, sumunod naman dito ang isyu naman ng navideohang pagala-galang daga.

MAKI-BALITA: ‘May surot sa NAIA?’ MIAA, nag-sorry sa mga nakagat na pasahero

MAKI-BALITA: Pagkatapos ng surot: Daga, nakita rin daw sa NAIA

MAKI-BALITA: OFW Party-list Rep. Magsino, ikinabahala surot, daga sa NAIA

MAKI-BALITA: Bukod sa surot at daga: Problema sa NAIA, ‘di pa rin nasosolusyunan – Magsino