Dinumog ng mga negatibong reaksiyon at komento ang apela ng all-female group na "4th Impact" sa publiko na tulungan silang makakalap ng pondo para magkaroon ng sariling haven o lugar ang kanilang mga alagang shih tzus na umabot na raw sa 200.

Mababasa sa "GoFundMe" ang apela ni Almira, isa sa magkakapatid na miyembro ng nabanggit na grupo.

Aniya, noong una ay lima lamang ang kanilang alaga na ibinigay sa kanila ng fans. Hindi na nila namalayan ang pagdami ng mga tao hanggang sa umabot na nga sa 200.

Wala sanang magiging problema subalit inireklamo na raw sila ng mga kapitbahay dahil sa ingay ng mga ito.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Kaya apela nila sa kapwa fur parents, sana raw ay matulungan silang magkaroon ng pondo para sa binabalak nilang "safe and expansive farm" para sa mga alaga.

Photo courtesy: GoFundMe/via Fashion Pulis

Photo courtesy: GoFundMe/via Fashion Pulis

Photo courtesy: GoFundMe/via Fashion Pulis

Isang beterinaryo naman ang nag-share nito sa Instagram at kinomentuhan.

"𝐃𝐎 𝐍𝐎𝐓 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐁𝐀𝐂𝐊𝐘𝐀𝐑𝐃 𝐁𝐑𝐄𝐄𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐍𝐁𝐑𝐄𝐄𝐃𝐈𝐍𝐆"

"Sa dami ng mga nahihirapan na mga shelters at rescuers, nakakalungkot na makakita ng ganitong sitwasyon — purebreed dog na nagsimula sa 5, ngayon ay 200 na."

"Hindi sapat na mayroon silang pagkain at tirahan, dapat ay sapat, maayos at tama ito para sa kanila."

"Ang pagpaparami ng mga alagang hayop through 'mating' sa sariling bahay na walang kaukulang permit ay tinatawag na 'backyard breeding' at ito po ay illegal. Lalo na kung ang mga ito ay ibinebenta o pinagkakakitaan.

Ang 'inbreeding' naman ay ang pagtatalik ng magkapatid o anak at magulang na hayop. Ito ay nagreresulta sa mas mahinang mga anak na kadalasan ay maraming sakit at komplikasyon."

"Sa laki ng problema natin sa animal/stray population at animal welfare abuses, ‘wag na sana tayong dumagdag pa. Ipakapon ang mga alaga kung hindi kayang kontrolin ang kanilang pagdami. Hindi na ito pagmamahal kung sarili lamang natin ang ating iisipin at hindi ang kanilang pangmatagalan na kapakanan," anang Doc Gab.

Sa comment section naman ay sang-ayon ang mga netizen sa sinabi ng beterinaryo. May ilang netizens pa ang sumilip sa pag-attend ng magkakapatid sa "Eras Tour" ng award-winning American singer-songwriter na si Taylor Swift na hindi biro ang ticket.

May mga nagpayo pa sa kanilang ipamigay na lamang ang mga shih tzu kung hindi na nila kayang alagaan pa.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:

"This group is asking for $100K when they also just watched the Eras tour. 😵‍💫 While local shelters can do wonders with that sum already!"

"So shameless. I've seen on Reddit that they've been problematic for a long time and are constantly asking for donations form their fans."

"You tell them Doc Gab! Thank you for speaking out. Hopefully more people pick up on this issue and report their irresponsible behavior."

"They deleted their social media post but the gofundme is still there. The audacity 🙈"

"Stalked their account and they can do tours naman pala sa US. Tapos the nerve pa to ask donations for their dream land. Ay, umay. 🤦🏽‍♀️

"And they have the audacity to ask for $100k, to think this group goes on tours across the US. 😏😅"

"While shelters, rescuers, and advocates are doing their best with spay and neuter efforts, ito naman sila. Hay."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang 4th Impact o ang management na humahawak sa kanilang career patungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.