Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagwasak sa mga isinukong hindi lisensyadong baril sa isinagawang Panabangan Si Kasanyangan o peace offering ceremony sa Sumisip, Basilan nitong Sabado.
Nasa 400 loose firearms na isinuko sa mga awtoridad sa lalawigan ang pinasagasaan sa pison.
Bukod dito, namahagi rin si Marcos ng pangkabuhayan sa mga sumukong rebelde.
Aniya, ang pagsuko ng mga armas ay pagpapakita lamang na seryoso ang pamahalaan na matamo ang kapayapaan sa lalawigan.
National
De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'
“Although the ceremonies that we have here is really very simple, it is a symbolic, of a very important day because this is a testament to the commitment of all stakeholders to peace,” ani Marcos.
“That is, it is a very significant also. I’m the first President to be able to come here because this was ground zero in the time of the fighting. And so, we can – it is a very clear landmark on the progress we have been making in bringing peace to Southern Philippines,” dagdag pa ng Pangulo.