Nagbigay ng reaksiyon ang aktor na si Jake Ejercito kaugnay sa hindi niya nakuhang role sa Filipino adaptation ng sikat na KDrama series na “What’s Wrong With Secretary Kim?”
Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Biyernes, Marso 1, tinanong niya si Jake tungkol sa bagay na ito.
“Maraming naging usap-usapan about it. Pero in the end hindi ako napili. Naiintindihan ko naman ‘yon. I trust the decisions of the producers and management. Mas sila naman ang nakakaalam niyan, e,” pahayag ni Jake.
“I mean, Paulo Avelino. Sino ba naman ako kay Paulo, ‘di ba, in terms of skills? Yeah, I’m just looking forward sa susunod na project. Baka hindi talaga siya para sa akin,” aniya.
Matatandaang matapos ipasilip ng Viu Philippines kung sino ang dalawang artistang gaganap sa serye, nag-trending sa X si Jake.
Buong akala kasi ng mga netizen ay siya ang gaganap bilang Vice Chairman sa nasabing adaptation sa halip na si Paulo Avelino.
MAKI-BALITA: Netizens, mas bet si Jake sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’ kaysa kay Paulo?
Bukod pa rito, lumutang din ang kuwento na tila nagtampo raw si Jake nang hindi niya makuha ang nasabing role.
MAKI-BALITA: Jake Ejercito, nagtampo ‘di nakuha role sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’?