2 Chinese vessels, namataan sa Philippine Rise -- U.S. maritime security expert
Dalawang barko ng China ang namataan sa bahagi ng Philippine Rise (dating Benham Rise) kamakailan.
Ito ang bahagi ng X post ng dating United States (US) Air Force official at ngayo'y US maritime security expert na si Ray Powell.
Sa naturang social media post, isinalaysay ni Powell na nitong Pebrero 26, dalawang research vessel ng China ang umalis ng Longxue Island sa Guangzhou sa China.
Naglayag aniya ang dalawang barko patungong hilagang silangan ng Luzon na sakop ng Benham Rise na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Aniya, ang dalawang Chinese vessel ay kinabibilangan Haiyang Dizhi Liuhao at Haiyang Dizhi Shihao.
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamahalaan hinggil sa usapin.