“We would like to take this opportunity to warn and remind our public na mag-ingat po. Especially, kung ang kapalit agad noon is magpapadala kayo ng pera with you not knowing kung sino ang mga 'yun. Sa mga travel agencies, meron naman po, puwede po nilang alamin po iyan kung sino ang authorized na travel agency na talagang may authority para magbigay ng promos with respect sa vacation and travel packages,” anng opisyal.
Binanggit ni Fajardo, pataas nang pataas na bilang ng kaso nito kada taon.
Nasa 39 kaso ang naiulat noong 2021, 91 naman noong 2022 at 313 noong 2023.
Idinagdag pa ni Fajardo na umabot na sa 35 ang kaso nito ngayong taon.