Nakalaya na ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, nitong Biyernes ng hapon, Marso 1.

Sa ulat ng News5, nakalabas ng kulungan si Pura matapos umanong makapagpiyansa ng halagang ₱360,000.

Matatandaang muling inaresto ang drag queen nitong Huwebes, Pebrero 29, dahil daw sa kaparehong krimen kaugnay ng naging kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance nito noong nakaraang taon.

National

Pura Luka Vega, muling inaresto

Noong Oktubre 4, 2023 nang unang arestuhin ng Manila Police District (MPD) si Pura dahil sa mga reklamong isinampa laban sa kaniya kaugnay ng kaniyang drag performance, at nakalaya rin pagkatapos ng tatlong araw dahil sa piyansa.

Iginiit naman kamakailan ni Pura na hindi raw krimen ang drag, at palagi raw siyang bukas para sa diskurso sa mga taong maaaring “na-offend” niya ng kaniyang Ama Namin drag performance.

“Sana maintindihan nila na sa mata ng isang manlilikha o artist, it’s really just a form of storytelling. Drag is art. It’s not supposed to be a crime,” saad niya.

https://balita.net.ph/2023/10/05/pura-luka-vega-drag-is-art-its-not-supposed-to-be-a-crime/