Isang karangalan ang naibigay ng mga Pinoy hog farmer para sa Pilipinas matapos silang magawaran ng isang titulo mula sa Guinness World Records (GWR).

Sa ulat ng Manila Bulletin, matagumpay na na-set ng National Federation of Hog Farmers (NatFed) ang first-ever GWR title na “Most Varieties of Pork Dishes on Display” matapos silang maghanda ng 313 pork-based dishes sa gitna ng “Hog Festival 2024” sa Cubao, Quezon City nitong Biyernes, Marso 1.

Ayon kay Guinness Book of Records representative Sonia Ushirogochi, na-achieve ng Pinoy hog farmers ang rule na dapat may timbang na hindi bababa sa tatlong kilo ang bawat isang dish at kinakailangang kakaiba ito sa iba pang putaheng inihanda.

Nahigitan din daw ng NatFed ang kinakailangang bilang na 300 dishes, dahilan kaya’t nasungkit nila ang GWR title para sa Pilipinas.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Tatlong pinakamatatandang imahen ng Sto.Niño sa buong Pilipinas

Nagpahayag naman ng pagkatuwa si NatFed Chairman Chester Warren Tan sa nasungkit nilang karangalan, at binanggit ang kahalagahan ng baboy sa bansa.

“The variety of dishes displayed is proof of how Filipinos love pork, and shows how important the Philippine swine industry is to our nation's food security, food safety, and food sovereignty,” saad ni Tan.