Tamang-tama ang ibinahaging pananaw ng actress at TV host na si Isabelle Daza hinggil sa mga kapuwa niya babae lalo’t ngayong Marso ipinagdiriwang ang “National Women’s Month.” 

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Pebrero 27, tinanong si Isabelle tungkol sa kahalagahan ng lalaki sa kaligayahan ng babae. 

“I think now—during my time—women are much more empowered. They have different hats. So, pwede silang magtrabaho. Tapos syempre they’re also at home with the kids,” lahad ni Isabelle.

“And then syempre we also want support ‘yong pamilya natin. So, now iba na ‘yong panahon, e. Like for example sa mga kaibigan ko, lagi nilang sinasabi na I can live without my husband, ‘di ba? Iba ‘yon, e,” aniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Gayundin naman, hindi nagpahuli ang ina niyang si Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa pagbabahagi ng kaniyang sagot hinggil sa naturang tanong.

Ayon kay Gloria: “During my time, yes. They were very important. First of all, during my time women don’t go out on their own, and they really have their husband or boyfriend you’re really a CEO.”

Pero para kay Boy, tila hindi raw niya alam kung paano makaka-survive kasama ang mga kaibigan ni Isabelle dahil sa mantra ng mga ito sa kalalakihan. Kaya binigyan na lang niya ng bulaklak ang mag-ina at nagpasalamat.