Ibinahagi ng aktor na si Diego Loyzaga ang kaniyang pananaw sa kaniyang mga “Los Bastardos” co-star sa latest vlog ni actress-politician Aiko Melendez nitong Huwebes, Pebrero 29.

Sa nasabi kasing vlog ni Aiko, naitanong niya kay Diego kung sino sa mga sumusunod na co-star niya ang mahirap katrabaho: Joseph Marco, Jake Cuenca, Albie Casiño, at Marco Gumabao.

“Parang ‘di ko pa nakakatrabaho si Joseph [Marco],” sagot ni Diego. “Madaling katrabaho si Albie. Jake is a very serious actor. Marco, hindi naman siya mahirap katrabaho.” 

“I’m not saying it because mahirap siyang katrabaho in the sense na parang annoying siya or something. No, he’s such a good actor that you really have to be good if siya ‘yong ka-eksena mo,” aniya.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Dagdag pa ni Diego, tila hindi pa nga raw sapat ang mga papuri at pagkilalang naibibigay ng mga tao kay Jake.

“I think he is not given his flowers enough. Feeling ko nga he should always be in the conversation of one of the best actors. Magaling si Jake. Sobrang versatile ni Jake. Pwedeng bida, kontrabida. Action. He even did BL din with Joem Bascon,” lahad niya.

Samantala, sa naunang bahagi ng panayam, nabanggit naman ni Diego kung sino ang itinuturing niyang TOTGA sa mga sumusunod: Barbie Imperial, Franki Russell, Sofia Andres, at Julia Montes.

MAKI-BALITA: Diego Loyzaga, may malaking pagkakamali kay Sofia Andres