Inamin ng aktor na si Diego Loyzaga na ang aktres na si Sofia Andres daw ang kaniyang TOTGA o The One That Got Away. 

Sa latest vlog kasi ng actress-politician na si Aiko Melendez nitong Huwebes, Pebrero 29, sumalang sa game na “Truth or Dare” si Diego.

Pinapili siya ni Aiko kung sino ang maituturing niyang TOTGA sa mga sumusunod na aktres: Barbie Imperial, Franki Russell, Sofia Andres, at Julia Montes. 

“Sofia Andres,” sagot ni Diego. “Kasi ang laki talaga ng pagkakamali ko kay Sofia.”

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

“I’m very open naman about it. I made a really big mistake ‘cause I was a kid. I was twenty years old, twenty-one years old,” dugtong pa niya.

“I’m sure you’re very happy, “ pahayag ni Aiko.

“With her life?  Oo naman, yeah. Sobra! I’m so proud. I’m so happy for her.  I remembered when were together pa those the things that she has now, ‘yon ‘yong mga binabanggit niya no’ng time na ‘yon na sana magkaroon siya and she has everything now,” sagot ni Diego.

Sa kasalukuyan, hindi pa raw sila nagkikita ni Sofia. Wala rin umano silang closure magmula noong maghiwalay sila. 

Hindi man nabanggit ni Diego sa panayam kung anong pagkakamali niya noon pero matatandaang umusbong ang tsika na may nakakita sa kaniya na may kasamang babae na nanood sa isang sinehan sa isang mall habang sila pa ni Sofia–gayunman, pinabulaanan na ito ng aktor.

Sa isang exclusive interview ng PUSH noong 2018 ay nagsalita si Sofia tungkol sa break-up nila ni Diego.

Inamin doon ng aktres na kalagitnaan pa lang umano ng teleserye nilang “Pusong Ligaw” ay komplikado na ang kanilang relasyon.