Bumaba na ang kaso ng dengue sa Pilipinas ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, nasa 11 porsyento ang ibinaba ng kaso ng sakit mula Enero 14-27 matapos maitala ang 7,434 kumpara sa 8,368 nitong Enero 1-13.

Gayunman, 67 pa rin ang nasawi sa sakit, katumbas ng 0.32 percent ng fatality rate nito sa bansa ngayong taon.

Tiniyak din ng ahensya na patuloy pa rin ang pagbabantay nito sa sitwasyon kasabay ng panawagan sa publiko na makipagtulungan sa kampanya ng pamahalaan laban sa dengue upang mapuksa ito.