Usap-usapan ang social media post ng isang event director matapos niyang ipahayag ang pagkadismaya sa isang di-pinangalanang singer, subalit kilala raw sa pag-whistle na mala-Mariah Carey at tinatawag na "phoenix."
Ayon sa Facebook post ni Vic Sevilla, ang nabanggit na singer ay naimbitahan sa isang corporate event at siya ang nagdirehe nito.
Inaasahan daw ng lahat na "fiery performance" ang makikita sa kaniya dahil sa mga katangiang nabanggit, subalit tila kabaligtaran daw ang nangyari.
"Naturally, we were expecting no less than a fiery performance from her. Sadly, her much-vaunted vocal power appeared to be missing that night," anang direktor.
"She seemed zapped of energy, acted uninterested, and sounded distant and cold. It was as if all enthusiasm escaped her the moment she stepped on stage."
"It was disappointing given that performers of her stature and popularity demand a hefty price to appear in corporate events. At the very least, she could have faked enthusiasm to cheer the audience up and not act as if she wanted to get off the stage in haste."
"She was, at the moment, a complete waste of time and money," maanghang na pahayag ng event director.
Bagama't walang binanggit na pangalan, nagkakaisa ang mga netizen na ang tinutukoy niya ay si Morissette Amon, na kilala sa bansag na "Asia's Phoenix."
Makikita ito sa comment section ng Fashion Pulis.
"Iisa lang naman ang tinatawag na phoenix. Si MA 'yan."
"Ay knows na agad dun sa whistle ala Mariah at 'Phoenix.' Ayaw ni Annabelle Rama at Daisy Romualdez 'yan!"
"Baka may pinagdaraanan lang. Wag n'yo naman i-judge. Sobrang bait ng taong 'to. Okay. So, understand na lang po at wag masyado mareklamo. Tao lang din 'yan na maaaring may pinagdaraanan."
"Fall of the Phoenix na ba? Sayang naman. Sayang ang ibinayad I mean."
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi na makita ang post ni Sevilla bagama't naka-post ang screenshot nito sa ulat ng Fashion Pulis.
Wala pang pahayag si Sevilla kung si Amon nga ang kaniyang tinutukoy sa "blind item." Wala pa ring tugon o pahayag ang kampo ni Amon sa mga nagkokonekta sa kaniya tungkol dito.