Muling nagsama-sama in one frame ang ilan sa "Star Magic babies" ng dating chairman emeritus nitong si Mr. Johnny Manahan o mas kilala bilang si "Mr. M," para sa kaniyang birthday celebration.

"Mr. M's birthday celebration," saad ni Jake Ejercito sa kaniyang Facebook post.

Ang big stars na makikitang kasama niya ay sina Bea Alonzo, Jake Ejercito, Donny Pangilinan, Piolo Pascual, Jericho Rosales, at Kathryn Bernardo.

Kapansin-pansin namang magkatabi sa larawan sina Kath at Echo na recently ay tila shini-ship o may gagawing proyekto.

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Panay kasi ang komento ni Jericho sa mga post ni Kathryn, at ang latest nga, naispatan pa silang sabay na nagja-jogging sa isang area.

MAKI-BALITA: Jericho Rosales, proud kay Kathryn Bernardo

MAKI-BALITA: Iniintriga! Kathryn at Jericho nagja-jogging sa iisang area, magkasama ba?

Hinala ng mga netizen, may something na nilulutong proyekto para sa dalawa ang ABS-CBN lalo't buwag na ang "KathNiel."

Si Jericho naman ay kumpirmadong hiwalay na sa kaniyang misis na si Kim Jones noon pa palang 2019.

MAKI-BALITA: Matapos ang 10 taong pagsasama: Jericho Rosales, Kim Jones hiwalay na!

Nauna nang sinabi ni Echo na bet niyang makatrabaho si Kathryn kung mabibigyan ng pagkakataon.

MAKI-BALITA: Jericho Rosales bet makatrabaho si Kathryn Bernardo

Anyway, hindi naman maiwasan ng mga netizen na kiligin kina Kathryn at Jericho, at ngayon pa lang, nasasabik na silang malaman kung may magtatambal ba ang dalawa sa isang serye o pelikula.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Kilig man kath and echo"

"May upcoming projects cguro c Echo and Kath kaya nakikita cla magkasama to know if may chemistry cla sa viewers"

"Kath and Echo!"

"May chemistry sina Kathryn and Jericho hahaha."

"Gusto ko si Kath at Echo kaso parang mas may spark si Kath at Donny."