Itinaas ni Australian senator Janet Rice ang isang banner na nagsasabing "Stop the human rights abuses" habang nagtatalumpati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Australian Parliament nitong Huwebes, Pebrero 29.

Matatandaang dumating si Marcos sa Canberra, Australia nitong Miyerkules, Pebrero 28, para sa dalawang araw na state visit bilang tugon na rin sa imbitasyon ni Governor-General David Hurley.

MAKI-BALITA: Marcos, bumiyahe na pa-Australia

Ayon sa Presidential Communications Office, si Marcos ang unang pangulo ng Pilipinas na nagsalita sa Australian Parliament.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Samantala, hayagang ipinakita ni Rice ang kaniyang pagtutol sa presensya ni Marcos sa parliyamento sa pamamagitan ng naturang pagtaas ng plakard na nagsasabi kay Marcos na tigilan na umano nito ang pang-aabuso sa karapatang pantao.

“Under President Marcos Jr, corruption in the Philippines is getting worse. There are hundreds of political prisoners, and ‘anti-terrorism’ laws are used as legal cover for extrajudicial killings,” giit ng Australian senator sa isang X post nito ring Huwebes.

“Yet the Australian Government invited him to address the Parliament today. Shame,” dagdag pa niya.