Nagbigay na ng reaksiyon ang aktres na si Sarah Lahbati tungkol sa bansag sa kaniyang "Patron Saint ng mga Waldas" o kaya naman ay "Waldas Queen."
Tila wala namang pakialam ang aktres at "estranged wife" ni Richard Gutierrez sa mga okray ng netizen na "gastadora" at "waldasera" siya pagdating sa pera.
In fact, panay post nga siya ng mga pinagbibibili niya kagaya na lamang ng bags, shoes, at kotse, pati na rin ang mga gala niya.
Sa isa ngang Instagram story ni Sarah, parang sinakyan na lang niya ang mga batikos na natatanggap niya kaugnay ng paggastos sa pera.
Ibinahagi nga niya ang isang art card na may mababasang "Ang sama ng pakiramdam ko. Feel ko kailangan kong gumastos."
Matatandaang lumutang ang isyung ito nang magbitaw ng mga pahayag ang mother-in-law na si Annabelle Rama kaugnay ng hiwalayan nila ng anak nitong si Richard Gutierrez.
Sey ni Bisaya, panay raw gastos ang "isa" samantalang ang anak niya, panay kayod sa trabaho.
Bagama't walang direktang pahayag kontra sa sinabi ng biyenan, makikita sa posts ni Sarah na wafakels siya at panay gastos nga.
Sa panayam sa kaniya recently ng showbiz reporter ng TV5 na si MJ Marfori, sinabi ni Sarah na natatawa na lang siya sa mga kung anik-anik na bansag sa kaniya.
"Natatawa ako, kasi we have to take things lightly 'di ba, or else puputi buhok natin and hindi tayo magiging happy, so natutuwa ako sa lahat ng taong tumatawag sa akin ng Patron Saint of Waldas, natatawa ako," sey ni Sarah.
Dagdag pa niya, kung nagwawaldas man siya, nagtatabi rin naman siya para sa kaniyang mga anak, para sa sarili, at maging sa mga magulang.
"Everyday may comment about it. I'm very proud to say that I'm good [at] saving, I'm good at finances, I'm working hard to provide for my children, for myself and my parents, and helping my mom and my dad so I think I'm very good at saving and handling my finances."
MAKI-BALITA: Unbothered? Sarah, binansagang ‘Waldas Queen’ at ‘Patron Saint of Shopping’
Samantala, balik-teleserye si Sarah na mapapanood sa TV5 na may pamagat na "Lumuhod Ka Sa Lupa."