Muling inaresto ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, nitong Huwebes, Pebrero 29.

Kinumpirma ito ni "Drag Den Philippines" director Rod Singh sa pamamagitan ng isang X post.

Ayon kay Singh, inaresto muli si Pura matapos mag-isyu ang korte ng Quezon City ng warrant of arrest para sa three counts ng kaparehong krimen kaugnay umano ng naging kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance nito.

"This stemmed from a complaint filed against them by three churches affiliated with the Philippines for Jesus Movement," ani Singh.

Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila

"The recommended bail is 360,000 pesos,” dagdag niya.

Matatandaang noong Oktubre 4, 2023 nang arestuhin ng Manila Police District (MPD) si Pura dahil sa mga reklamong isinampa laban sa kaniya kaugnay ng kaniyang drag performance.

Pagkatapos ng tatlong araw, nakalaya siya matapos makapagpiyansa.

https://balita.net.ph/2023/10/07/pura-luka-vega-nakalaya-na/

Samantala, mahigit 20 mga lugar na rin sa bansa ang nagdeklara ng persona non grata laban sa kaniya kaugnay pa rin ng nasabing Ama Namin drag performance.

https://balita.net.ph/2023/08/24/mga-lugar-na-nagdeklara-ng-persona-non-grata-laban-kay-pura-luka-vega/

Iginiit naman kamakailan ni Pura na hindi raw krimen ang drag, at palagi raw siyang bukas para sa diskurso sa mga taong maaaring “na-offend” niya.

“Sana maintindihan nila na sa mata ng isang manlilikha o artist, it’s really just a form of storytelling. Drag is art. It’s not supposed to be a crime,” saad niya.

https://balita.net.ph/2023/10/05/pura-luka-vega-drag-is-art-its-not-supposed-to-be-a-crime/