
(📷: Calasiao LGU)
Mga residente, natatakot na! Balat ng dambuhalang sawa, natagpuan sa Pangasinan
Nangangamba na ang mga residente sa isang barangay sa Calasiao, Pangasinan dahil na rin sa natagpuang balat ng dambuhalang sawa kamakailan.
Sa social media post ng Municipal Government of Calasiao, ang nasabing balat ng pinaniniwalaang mula sa isang reticulated python, ang pinakamahabang ahas sa buong mundo, ay natagpuan sa masukal na bahagi ng Brgy. Bued.
Posible rin umanong nasa 30 taon na ang edad nito at nasa 16 hanggang 25 talampakan.
Nagtutulungan na ngayon ang mga awtoridad upang mahanap ang nasabing sawa na sinasabi ring nasa likod ng pagkawala ng mga alagang hayop sa lugar.
Kaugnay nito, inalerto ng lokal na pamahalaan ang mga residente at inabisuhang iwasan na munang magtungo sa masusukal na lugar na posibleng pinamumugaran ng nasabing ahas.