Pinalakpakan ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ang naging “pagprotesta” ni Australian senator Janet Rice habang nagtatalumpati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Australian Parliament nitong Huwebes, Pebrero 29.

Nitong Huwebes ng umaga, habang nagsasalita si Marcos sa Australian Parliament ay itinaas ni Rice ang banner na nagsasabing “Stop the human rights abuses.”

Iginiit din ng Australian senator ang kaniyang pagtutol sa pag-imbita ng Australian Parliament kay Marcos.

National

Senador sa Australia ‘nagprotesta’ habang nagtatalumpati si PBBM: 'Stop the human rights abuses'

https://balita.net.ph/2024/02/29/senador-sa-australia-tutol-sa-pag-imbita-ng-govt-kay-pbbm-shame/

Kaugnay nito, sa isang Facebook post nito ring Huwebes ay pinasalamatan ni Manuel ang naging aksiyon ni Rice.

“Salamat, Australian Senator Janet Rice! 👏👏👏

“What is the human rights record of his regime so far? Marcos Jr has been denying the atrocities of the Marcos Sr dictatorship. Now, under his very own administration, state forces conduct enforced disappearances, abductions, torture, forced surrenders, illegal arrests and surveillance of ordinary citizens who push for higher wages, accessible education, pro-people transport, environmental protection, etc,” pahayag ni Manuel.

“The Marcos Jr regime has violated international humanitarian law with its brutal handling of captured combatants – this, while peace talks are supposed to open to lay down a rights-based framework for solving the armed conflict,” dagdag niya.

Bukod dito, sinabi ng mambabatas na tagapangulo si Marcos ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na kilala umano sa “redtagging at “paglustay sa pondo ng publiko.”

Binanggit din ni Manuel ang pagrekomenda ng UN special rapporteurs na i-abolish ang NTF-ELCAC.

“I and the youth commend Senator Rice for standing up in solidarity with the Filipino people, who continue to suffer from injustice and state-perpetrated abuses under the Marcos Jr regime,” saad ni Manuel.

Dumating si Marcos sa Canberra, Australia nitong Miyerkules, Pebrero 28, para sa dalawang araw na state visit bilang tugon na rin sa imbitasyon ni Governor-General David Hurley.

Nakatakda ring bumalik ng bansa ang pangulo nitong Huwebes.

https://balita.net.ph/2024/02/28/marcos-bumiyahe-na-pa-australia/