Narinig, nabasa, o napanood mo na ba ang tinatawag na #KylieJennerChallenge na nauuso sa social media?

Ang nabanggit na challenge ay paggaya sa pouty lips ng American socialite at businesswoman na si Kylie Jenner.

Kamakailan lamang, itinampok sa medical-themed program na “Pinoy MD" ng GMA Network ang nangyari sa mga labi ng content creator na Eys Hombre na game na game sumabak sa lahat ng mga nauusong challenges sa social media, at in fairness naman, nagtatagumpay at achieve ang goals sa tuwing ginagawa niya ang mga ito.

Kaya lang, sa panghuling challenge nga na sinubukan niya, parang pumalpak siya dahil imbes na ma-achieve ang pouty lips ni Jenner, nangapal, namaga, at nangitim ang kaniyang lips!

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kuwento ni Hombre, bumili siya ng suction tube equipment na nakita niya online at ibinabad ito sa kaniyang labi. Ang problema, hindi raw niya alam kung ilang minuto ang dapat itagal nitong nakababad, kaya hinayaan lang niya.

Kaya nagulat siya sa naging resulta nang makita ang sarili sa salamin!

Nang subukin naman daw niya ang lip plumper na hugis-isda, imbes na maging soft at kissable ang kaniyang mga labi ay nagmukha siyang sinapak.

Matapos ang isang linggo, matapos sumailalim sa gamutan, bumalik naman din sa dati ang lips ni Hombre. Saad ng ekspertong sumuri sa mga labi ni HombreDagdag pa ni Pecolera-Salvosa, kung tumagal pa ang paggamit sa suction tube, maaaring namatay na ang mga labi ng content creator.

Payo ng doktor, kung gusto talagang gawing permanente ang plump lips, may cosmetic procedures na puwedeng gawin na nagkakahalagang ₱50k hanggang ₱70k. Tiyakin lang na magpakonsulta sa lisensyadong esthetician o cosmetic surgeon para sa garantisadong ligtas na procedure para dito.

Para naman kay Hombre, "lesson learned" na raw ang nangyari sa kaniya.