Maglulunsad daw ng donation drive ang mga kapwa drag queen ni Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, para sa kaniyang pagpiyansa matapos siya muling arestuhin nitong Huwebes, Pebrero 29.

Nitong Huwebes ng hapon nang kumpirmahin ni “Drag Den Philippines” director Rod Singh sa pamamagitan ng isang X post na muling inaresto si Pura matapos umanong mag-isyu ang korte ng Quezon City ng warrant of arrest para sa kaparehong krimen kaugnay ng naging kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance nito noong nakaraang taon.

“This stemmed from a complaint filed against them by three churches affiliated with the Philippines for Jesus Movement,” ani Singh.

National

Pura Luka Vega, muling inaresto

Nasa P360,000 naman umano ang halagang kakailanganin para sa piyansa, kaya’t magsasagawa raw sila ng donation drive para makalaya si Pura.

“To those who would like to help Luka for their bail and legal fees, NAIA @brianblack_ will handle the donation drive,” saad ni Singh.

Samantala, sinabi ng drag queen na si NAIA sa isa ring X post na hinahanda na nila ang mga detalye para sa donation drive.

“Okay luka got arrested again today. lets not panic bec we know that we can do something about it. for now antabay muna tayo sa donation drive details for her bail. #dragisnotacrime,” saad ni NAIA.

Matatandaang noong Oktubre 4, 2023 nang unang arestuhin ng Manila Police District (MPD) si Pura dahil sa mga reklamong isinampa laban sa kaniya kaugnay ng kaniyang drag performance.

https://balita.net.ph/2023/10/04/pura-luka-vega-inaresto-sa-sta-cruz-manila/

Pagkatapos ng tatlong araw, nakalaya siya matapos makapagpiyansa ng ₱72,000 sa pamamagitan din ng tulong ng kaniyang mga kapwa drag queen at tagasuporta.

https://balita.net.ph/2023/10/07/pura-luka-vega-nakalaya-na/