Usap-usapan ang pagkumpirma ng social media influencer na si Jamie Bautista na hiwalay na sila ng jowa at kapwa influencer na si Anthony Leodenes, na nakarelasyon niya sa loob ng 9 na taon.

Matapos ang ilang mga pagsubok sa kanilang relasyon, nilinaw ni Jamie na "mutual decision" ang kanilang paghihiwalay at hindi dahil sa third party.

Narito ang buong post ni Jamie:

"Anthony, We've been together for 9 years at ayun yung mga pinaka masayang taon ng buhay ko. We were 16 and 18 nung nagkakilala tayo, 18 ka naman at 20 ako nung mapagdesisyunan natin na magpakasal."

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"Sobrang bilis at wala tayong pakialam kung ano yung mangyayare satin, basta ang alam lang natin mahal na mahal natin ang isa't isa at gusto na natin laging magkasama dahil LDR din tayo non.. Kaya kahit ayaw pa pumayag ng mga magulang natin inilaban natin pareho."

"Mag kasama tayo sa saya, sa lungkot, sa hirap, at sa ngayong guminhawa kahit papaano yung buhay natin. Marami tayong pagsubok na pinagdaanan, marami tayong inilaban, marami tayong natutunan sa bawat isa, marami tayong natutunan sa buhay.. At isa na don yung hindi pala pwede na puro mahal lang natin yung isa't isa kailangan pala nagg-grow din tayo pareho. Ang daming nangyare be.. akala ko kaya ko parin ipaglaban kahit anong pangit ang mangyare sa relasyon natin, akala ko kaya ko.."

"Sinubukan ko naman diba? Sinubukan naman natin? pero di ko na namamalayan na unti unti na rin pala akong nauubos, unti unti tayong nauubos.. Parang unti unti hindi ko na nakikilala yung sarili ko, aminado ako na nag-iba yung pakikitungo ko sayo, nag-iba yung ugali ko sayo at alam kong nasasaktan narin kita. Dahil sa nangyari in the past, aminado akong nabawasan talaga yung pagmamahal ko sayo, hindi na kita kayang mahalin kung paano kita dapat mahalin at alam kong ang unfair non dahil nakikita ko kung paano ka bumawi sakin at paano mo pagsisihan yon.. Siguro kailangan ko muna rin talaga magheal pong, kelangan ko din ayusin yung sarili ko para na rin sa ikakabuti ng bawat isa.. Gusto ko lang din sabihin na mag-ingat ka palagi, wag mo pababayaan yung sarili mo."

"Gusto ko lang din iclarify. yung sa mga gumagawa po ng fake news, there’s no third party involved. Maayos po naming napag-usapan ito at parehas po naming napagdesisyunan ito."

"Thank you sa lahat ng memories," aniya.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"ang hirap talaga mapagod sa relasyon yun tipong pagod kana pero sinubukan mo pa din na maging okay nalang lahat pero in a while sa huli mo nalang makikita na nauubos ka din lalo na kapag paulit ulit yun pain yung mag ka trauma napaka hirap na ibalik pa lalo na kapag mangyayari na naman yun ayaw mo. tapos ikaw nalang talaga yun susuko o pipiliin na tama na muna kung baga yun sarili mo muna kasi kung talagang kayo naman kahit ano mangyari kayo at kayo pa din kaylangan lang din mag heal muna lahat ng pain kesa ipilit lalo lang sasakit at lalim.. i feel you sending hugs"

"Pinakamahirap sa relasyon talaga kapag nasira mo ang tiwala ng partner mo. Ang babae kaya ka niyan patawarin ng palit ulit. Pero di ako sure kung bakit may babae na kaya padin mag stay kahit na nag cheat na yong partner nila. Siguro malaking part din dito yong nag stay ka para na din siguro maubos ka at dadating yong time na ma re realize mo na stop na. Wala ka ng nararamdaman, na kahit anong gawin niya, wala ka ng paki. Hope you find your peace soon."

"Mababawasan na naman yung mga favorite couple na pinapanood ko bawat vlog."

"Maraming Salamattt po sa pagpasaya at pagpakilig sa'min we love both of you."

Samantala, wala pang post sa kaniyang social media account ni Anthony.