Bumiyahe na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa dalawang araw na state visit sa Australia bilang tugon na rin sa imbitasyon ni Governor-General David Hurley.

Tampok sa pagbisita ng Pangulo ang pagbibigay nito ng talumpati nito sa Australian Parliament.

Ang naturang pagbisita ay inaasahang magpapatatag pa sa relasyon ng Pilipinas at Australia na umabot na sa 70 taon.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa kanyang departure statement, binanggit ni Marcos na ang kanyang pagbisita sa Canberra ay isang ganti lamang sa ginawang state visit ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Pilipinas noong Setyembre 8, 2023.

Matatandaang dumalo si Hurley sa inagurasyon ni Marcos noong 2022 bilang kinatawan ng Australia.

Inaasahang palalakasin din ng Pilipinas at Australia ang kanilang defense and security partnership.