Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala raw siyang sinabi na "drug addict" si Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Sa press conference ni Duterte nitong Martes, Pebrero 27, nilinaw niyang wala siyang sinabing ganoon tungkol sa pangulo.

"Wala akong sinabi na ganoon. Even if you kill me a thousand times, wala akong sinabi na ganoon," anang dating pangulo.

"[Maybe] taking a drug pero kung sabihin mong addict wala akong sinabi na ganoon. Patayin ako ni Marcos niyan. Maawa ka naman sa akin. Matanda na ako.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"If I can say it to Marcos, I can say it for all. Antibiotic, aspirin they are all drugs pero wala akong sinabi na [addict]. Patayin ako ni Marcos. Takot pa naman ako mamatay matanda na ako. Gusto ko pa mabuhay...," saad pa ni Duterte.

Matatandaang matapos sabihin ni Duterte na nasa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Marcos, sinabihan naman niya itong ‘bangag’ at ‘drug addict.’

“Si Bongbong, bangag ‘yan. That’s why sinasabi ko na sa inyo ngayon, si Bongbong Marcos bangag noon, ngayong presidente na, bangag ang ating presidente,” tirada niya sa ginanap na 'Hakbang ng Mausig Leaders Forum' prayer rally sa Davao City noong Enero 28.

“Kayong mga military, alam ninyo ‘yan. Lalo na ‘yong nasa Malacañang, alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente, put*in*ng iyan.”

Maki-Balita: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

At matapos na sabihang drug addict, iginiit ni Marcos na tumitira ng “fentanyl" ang dating pangulo.

“I think it’s the fentanyl. Fentanyl is the strongest pain killer that you can buy. It is highly addictive, and it has a very serious side effects,” aniya.

Maki-Balita: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng ‘fentanyl,’ banat ni PBBM