Kumakalat daw ngayon ang bali-balitang sasabak bilang host ng “Tahanang Pinakamasaya” si “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards.
Pero sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Pebrero 28, pinabulaanan ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa balitang ito.
“Alam mo, napaka-fake nitong news na ‘to. Unang-una, hinding-hindi ito gagawin ni Alden dahil sa kaniyang pangako,” saad ni Cristy.
“Kaya lamang, ang isa lang ng kwestiyon dito: Paano kapag sinabihan ng mga top executive ng GMA 7 si Alden bilang isang kontratadong artista ng network na kailangan na niyang sumalang dito sa [Tahanang Pinakamasaya], doon lamang ‘yon lulusot,” aniya.
Dagdag pa ng showbiz columnist: “Pero kung ang tatanungin natin ay si Alden, sinabi na po niya no’ng kasagsagan ng isyu ng pag-alis ng Tito, Vic, and Joy sa TAPE, Inc. na anoman ang i-offer sa kaniya ay hinding-hindi niya tatanggapin.”
Gayunpaman, nag-aalala pa rin daw si Cristy para kay Alden. Kapag daw kasi inudyukan si Alden ng mga top executive ng GMA 7 na sumalang sa naturang noontime show, siguradong uulanin daw ng sisi at pintas ang aktor.
Nagkaroon kasi ng problema sa pagitan ng TAPE, Inc. na producer ng Eat Bulaga at ng mga host nitong sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.
MAKI-BALITA: Eat Bulaga, pagmamay-ari ng TVJ, sey ni Tito Sen: ‘That is uncontestable’
MAKI-BALITA: Problema sa pera ng TAPE, isiniwalat ni Tito Sen; utang daw kay Vic, Joey higit-kumulang tig-P30M na
Matatandaang malaki ang papel na ginampanan ng naturang noontime show sa career ni Alden sa showbiz industry. Kaya naman, nangako siya ng katapatan para rito sa kalagitnaan ng iringan sa pagitan ng TVJ at TAPE.
MAKI-BALITA: Alden, nagpaliwanag na; emoji post sa IG story, banat sa bagong Eat Bulaga?