Nakakaloka ang rebelasyon ni Ogie Diaz na ibinulong daw sa kaniya ng source niya na hiwalay na raw ang engaged couple na sina Sam Milby at Catriona Gray.

Unang nakuwestyon ang dalawa nang mapansin ng mga netizen na hindi na raw suot minsan ni Cat ang engagement ring na ibinigay sa kaniya ng fiance.

Pero sey ng source ni Ogie, isang buwan na raw hiwalay ang dalawa, at noon pang Enero 3, sa birthday ng Miss Universe 2018.

Napagkikita pa rin sila together na magkasama sa events kaya hindi raw halata na wala na sila. Sa isa ngang Instagram post ni Cat ay naka-tag pa si Sam, sa kasagsagan ng ingay ng kanilang break-up rumors.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Wish nga ni Ogie na hindi totoo at nananaginip lang siya dahil on a personal note, bet niya ang couple at bagay na bagay silang dalawa.

Nang tanungin kung ano raw ba ang dahilan, nasabi raw ng source na napagtanto at napagnilayan ni Sam na hindi pa siya handang magpakasal kay Cat.

"Ano nga raw ba ang rason sabi ng source mo?" untag ni Mama Loi.

"Eh kasi daw, parang... sabi sa akin, parang ang rason daw, ay na-realize daw ni Sam na hindi pa siya pala handa..."

"Magpakasal?" sundot ni Mama Loi.

"Hindi, magpa-annul," birong untag naman ni Ogie. "Siyempre magpakasal!"

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring tugon, pahayag, o kumpirmasyon mula kay Catriona at Sam tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Catriona at Sam, hiwalay na raw